VIDEO
Project Saysay 2015 Year End Report
Add some info about this item
SALAMAT, 2015. Hello, 2016! Know more about our diverse activities and programs
PAMANA SA AKIN
PAMANA SA AKIN Lyrics by Ian Alfonso Composed by Francis de Veyra Sung by Kenneth Isaiah Ibasco Abante Co-presented by NYFH Secretariat and Red Root MPC
IN celebration of National History Month, Project Saysay is sharing this music video entitled "Pamana sa Akin."* It was the theme song of the 1st National Youth Forum on Heritage in 2015, produced in collaboration with Project Saysay, Red Root Artists Cooperative, and the 1NYFH National Organizing Committee.
CNN Philippines featured pSaysay
Ian Alfonso: Inspiring students with history
History may not be everyone's cup of tea in school, but for Ian Alfonso, it matters a lot. In this edition of The Story of the Filipino, we tell you how he pays tribute to our heroes by empowering classrooms with their inspiring words.
PAMANA SA AKIN LYRICS
IN celebration of National History Month, Project Saysay is sharing this music video entitled "Pamana sa Akin."* It was the theme song of the 1st National Youth Forum on Heritage in 2015, produced in collaboration with Project Saysay, Red Root Artists Cooperative, and the 1NYFH National Organizing Committee.
PAMANA SA AKIN
Lyrics by Ian Alfonso
Composed by Francis de Veyra
Sung by Kenneth Isaiah Ibasco Abante
Co-presented by NYFH Secretariat and Red Root MPC
VERSE 1
Kung ano’ng dami ng nalalaman ko sa panahong ito
Siya namang dami’t higit ng dapat pang malaman ko
Kung saan ako naroroon at sino ako sa mundong ito.
Nais kong malaman, sabik na matuto’t matanto.
Tila sa pagkakahimbing ako’y biglang nagising
Haraya ko’y nagkakulay, mundo ko’y nagningning
Sa dako ng nakaraan ako’y hinihilang pilit
Hanggang sa lumipad, nang paraiso ay malasin.
CHORUS
Kahapon ko pala’y dakila, anong ganda, anong yumi
Yama’y hindi laging pilak, ginto’t salapi
Kundi ang matitimyas na pamana sa akin
Na sa panahon ko’y nakatawid dahil naingata’t iniwi.
VERSE 2
Himig na sa kasanggulan na sa aki’y nag-iwi
Dila na nagtawid sa dunong ng aking lipi
Kulay na isinaboy sa bawat likha at guhit
Tahanan ng mga nauna—isinalin lahat sa akin.
Dibdib ko’y kumakabog, kagalaka’y umaagos
Ramdam ko ang hiwagang sa aki’y humahaplos
Diwa ko’y maligalig, hininga ko’y humahangos
Pag-asang matuklasan pa aking pagkataong kapos.
CHORUS
Kahapon ko pala’y dakila, anong ganda, anong yumi
Yama’y hindi laging pilak, ginto’t salapi
Kundi ang matitimyas na pamana sa akin
Na sa panahon ko’y nakatawid dahil naingata’t iniwi.
BRIDGE
Sino ba ‘ko sa mundong ito, paano ko matatalos
Karunungan ng aking nakaraan, sa isip, salita’t kilos?
Alaalang kadakilaan, bantayog ng kariktan ay lubos
Nang pagmulan ng dangal ng bawat salinlahing taos.
CHORUS (one key higher)
Na sa panahon ko’y nakatawid dahil naingata’t iniwi.