top of page
incubator projects

Project Saysay extends technical assistance to its fellow advocates of heritage and history. 

On 14 February 2017, Project Huni was launched. Project Saysay collaborated with Iscarleth Mae Perez, Davao City delegate to the 1st National Youth Forum on Heritage, in making archival musical pieces alive and available once again to the public for free. Various private collector assisted Project Saysay in provinding Project Huni musical pieces from their own collection.

In time of the 4th anniversary of Project Saysay, The Archipealago was launched together with the website on 22 May 2017. The aim of this new incubator project is to generate short documentaries intended to be shared online.

    Taglay ang adhikaing "Muling pailanlangin ang mga makasaysayang himig," layunin ng Project Huni na ibahagi sa mga Pilipino ang mga piyesang hindi nabigyan ng pagkakataong mairekord sapagkat may saysay at salaysay ang mga ito na nais itawid sa ating panahon. Ito ay bagong adbokasiya ng Project Saysay.

      Katuwang ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at iba pang aklatan at pribadong kolektor ng mga piyesa, sisikaping irekord ng mga mang-aawit at musikerong kaibigan ng Project Saysay ang mga ito. Hango ang pangalan ng adbokasiya mula sa salitang Filipino na "huni" o tinig ng ibon, habang ang logo nito ay titik "Hu" sa Surat Mangyan.

PROJECT HUNI

"¡¡¡Votad!!!" (Bumoto!!!)

¡Oh Dueña Halina!

"¡¡¡Votad!!!" (Bumoto!!!)

Votad

SA kauna-unahang pagkakataon, nakaboto ang mga babae sa Pilipinas noong halalang lokal ng 14 Disyembre 1937. Ito ay matapos paboran ng halos 90% ng mga botanteng Pilipino sa isang napakaespesyal na plebesito na isinagawa noong 30 Abril 1937 ang pakikilahok ng kababaihan sa politika.

Handog ng Project Saysay para sa Buwan ng Kababaihan.

Mula sa koleksyon ni Nimia S. L. Lopez ng Jaro, Lungsod ng Iloilo, na kaloob ni Perfecto Teodoro Martin Sinet sa MIDI file ni Iscarleth Mae Perez ng Project Huni


Video editing ni Olivia Parian ng Project Saysay

Upang markahan ang makasaysayang araw na iyon, isang awit ang kinatha na pinamagatang "¡¡¡Votad!!!" (Bumoto!!!). Nagsama-sama ang mga manunulat na sina J. Hernandez Gavira, Amado V. Hernandez, at V. L. del Fierro sa paglikha sa titik ng naturang awit sa wikang Espanyol, Tagalog, at Ingles. Nilapatan naman ito ng himig ni Maestro Luis F. Borromeo.

"Bumoto!!!"
ni Amado V. Hernandez

Oras ngayon ng labanan
Ang babai’y tinatawagan
Magsiboto at itanghal, 
Ang ating kasarinlan
Magsiboto upang tayo ay magtagumpay;
Nasa kamay at utak ng kababaihan 
Ang pag-asa rin ng bayan at ang panaginip ni Rizal.
--Koro--
Magsiboto, magsiboto atin ipakilala
Magkaisa sa suprahio ina, anak, asawa
Magbalikuas ang lahi Maria Clara at Selia.
Magsiboto at itanghal
Ang Diwang Pilipina.

Magsiboto, magsiboto atin ipakilala
Magkaisa sa suprahio ina, anak, asawa
Magbalikuas ang lahi Maria Clara at Selia.
Magsiboto at itanghal
Ang Diwang Pilipina.

. . .

"Vote!!!"
by V. L. del Fierro

Here at last has come the hour to fight
We must all go and cast our votes,
For the suffrage of the women
Which will give us liberty.
For the moment of redemption has now come to us
Women fight religiously for victory is ours;
Therefore let us rush to battle
For the ideals of the great Rizal.
—Chorus—
Let us all vote, let us all vote.
For the nation’s highest good,
Let us join in our prayers
For the country’s liberty
We will win with the energy
Of the people’s valiant will;
Let us all vote, let us all vote.
For our nation’s sacred cause.

. . .

"¡¡¡Votad!!!"
por J. Hernandez Gavira

Es la hora de la lucha, a prestemos todas a votar
Por el voto femenino quenos de la libertad
Hallegado el momento de la redencion
Obren todas las mujeres con fe y valor
Vamos todas a luchar. Por los ideales de Rizal.
--Coro--
Voten todas, voten todas por el bien de la nacion
Por el triumfo del sufragio de la patria redencion
Vence remos con la fuerza
De la gesta popular
Vota remos, vota remos!
Por la gloria Nacional.

Voten todas, voten todas por el bien de la nacion
Por el triumfo del sufragio de la patria redencion
Vence remos con la fuerza
De la gesta popular
Vota remos, vota remos!
Por la gloria Nacional.

¡Oh Dueña Halina!

Oh Duena

MAINLOVE MULI: Napakinggan niyo na ba ang tulang sinasabing binigkas ni Andres Bonifacio nang nililigawan pa lang niya si Gregoria de Jesus?

Noong 4 Disyembre 1931, inilathala ng pahayagang Liwayay ang artikulong "Ang Lakambini ng Katipunan" na akda ni Remigio Mat. Castro. Tampok sa naturang arikulo ang sinasabing tula na binigkas ni Andres Bonifacio isang gabi nang haranahin nito ang noo’y nililigawan pa lang na si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Makalipas ang dalawang taon nilapatan ng musika ni Maestro Miguel Trinidad ang titik. Pinamagatan itong ¡Oh Dueña Halina! (‘dueña’ o binibini/babae, ‘halina’ o marikit).

sinet sa MIDI ni Iscarleth Mae Perez, Direktor ng Project Huni.

Nakakuha ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ng kopya ng piyesa ni Trinidad mula sa pribadong koleksyon ni Mariano Cacho noong 2016. Sinikap ng Project Saysay na muli itong buhayin at ibahagi sa publiko bilang unang handog ng Project Huni. Ang karapatang ari ng musika ay nananatili sa kompositor, at buong pitagang kinikilala ng Project Saysay ang pinanggalingan ng piyesa.

¡Oh Dueña Halina!

 

I
Binabathala ko
Ang iyong larawan,
Pungay ng mata mo'y
Siyang aking patnubay;
Sa buong maghapo'y
Kinakaulayaw
Ibig kong matubos
Yaring kahirapan.

II
Ang buhay na itong
Kalong ng paninimdim,
Sagana sa luha
At madlang hilahil;
Ngayo'y tumatawag
Nang buong paggiliw,
At napatatanlaw
Sa iyong luningning

III
Oh Dueña halina
At iyong pakinggan,
Daing ng puso kong
Ikaw ang dahilan;
Sa Kundimang huni
Tayo ay magdiwang,
Ipagsaya natin
Ang kaligayahan!

 

Ulitin ang Saknong III

Oh Dueña halina
At iyong pakinggan,
Daing ng puso kong
Ikaw ang dahilan;
Sa Kundimang huni
Tayo ay magdiwang,
Ipagsaya natin
Oh dueña, ang kaligayahan!

bottom of page