top of page

Project Vinta nasa Filipino na!

Bilang pakikiisa sa Buwan ng Panitikan 2022 at pagtugon sa panawagan ng mga tagasubaybay, minarapat ng Project Saysay Inc. na ilathala online ang mga artikulo ng Project Vinta sa wikang Filipino.



Itinatag noong 13 Abril 2017 ni Oswald Santos, ang Project Vinta ay programa ng Project Saysay Inc. na naglalayong maghandog ng kaalaman hinggil sa pambansa at lokal na kasaysayan ng Pilipinas sa partikular na araw. Naging bahagi ng Project Saysay Inc. ang Project Vinta noong 17 Disyembre 2017. Mula 2019, naging commitment na ng Project Saysay Inc. ang Project Vinta sa Local Historical Committees Network (LHCN) National Action Plan 2019-2022 ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Bawat post ng Project Vinta ay taglay ang sagisag ng LHCN at ang pabatid na pakikiisa ng Project Saysay Inc. sa naturang agenda ang nasabing proyekto online.


Unang post ng Project Vinta sa Filipino noong 1 Abril 2022. Sundan dito.


Subaybayan ang mga posting ng Project Vinta sa www.facebook.com/pvinta at sa Twitter at Instagram ng Project Saysay (@psaysay).


Comentários


Featured Posts
Recent Posts
bottom of page